Pampagtuturong Tungkulin sa Interaksyong Pangklase ng mga Guro Ng Wika
Main Article Content
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang pampagtuturong tungkulin sa interaksyong pangklaseng ginagamit ng mga guro ng wika at masuri ang persepsyon ng mga mag-aaral sa mga ito ayon sa kanilang unang wika at kolehiyong kinabibilangan.
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, nanguna ang pagpapaunlad sa nilalaman sa mga pampagtuturong tungkulin; pangalawa ang pagpapadaloy; pangatlo, ang pag-uugnay at sumunod ang pagkokontrol, pagtutugon, pagbibigay ng positibo at negatibong pagpapahalaga.
Sa persepsyon ng mga mag-aaral ayon sa unang wika at kolehiyong kinabibilangan, halos nagkaisa ang lahat na palaging ginagamit ng mga guro ng wika ang mga pampagtuturong tungkulin sa interaksyong pangklase.
Article Details
Section
Articles